Sunday Mornin’, rain is fallin’.

Umuulan. Naisipan kong simulan na yung blog para sa Cebu Trip namin. Ngayon pa kung kailan busy days. Pero ang sarap lang talagang magsulat pag ganito ang panahon. Log-in sa wordpress. Hindi muna ako nagstart magsulat. Pinagiisipan ko muna kung tagalog o english. Gusto ko sana tagalog para mas mailabas ko lahat kaso pag travel blog dapat english para maintindihan din ng mga foreigner para maipromote ang tourism ng Pilipinas. (Wow!)

Nagbrowse muna ako ng mga post ng mga pinafollow ko. Konti lang talaga ang pinafollow ko sa wordpress, yung mga gusto ko lang talaga. Mga 4 lang ata sila. Hindi naman din ako active na blogger so mga 6 times a year ko lang nabubuksan. Browse. Browse. Browse. Sunod sunod yung mga post ni Direk Tonet. Parang hindi sya masyadong masaya sa mga post niya. Parang ang idea ng mga post niya ay naglelead sa wala na yung fire or yung puso niya sa ginagawa niya. Napaisip ako. Grabe din talaga ang buhay. Sobrang daming twists and turns. Yung taong halos nasa rurok na nung tagumpay, nagkakaroon pa rin ng mga ganung moments. Gusto ko sanang magcomment. Gusto ko siyang iencourage, pero sino ba naman ako. Yun kaya yung isa sa pinakamahirap na moment sa buhay, yung feeling mo hindi ka na masaya sa ginagawa mo. Kung dati ‘pag tiningnan nung tao yung mga mata mo parang nagmumura na “Tangina motivated ako. Inspired akong magtrabaho!”. Tapos ngayon hindi mo alam kung saang kamay ng santo ka kukuha ng inspirasyon. Buti na lang kakatapos ko lang sa moment na yun. Break lang talaga ang sagot. Pahinga at distansya sa mga bagay na feeling mo pagod ka na.

Tatlong buwan akong hindi nagtrabaho simula May 15 hanggang August 24 at hindi ko alam kung paano ako nakasurvive. Literal na pahinga ang nangyari. Yung tipong 3 beses ako natutulog sa araw bukod pa sa gabi syempre. Kahit walang kapera pera okay lang kasi hindi naman ako umaalis ng bahay. May mga mangilan ngilan na gala kasama na nga yung Cebu pero konti lang talaga. Ang sarap. Kaya nung magsisimula na ulit akong magtrabaho sabi ko sa sarili ko “ayos ah. Hindi ako tinatamad”. Dun kasi sa tatlong buwan na wala akong ginagawa, wala akong mga reports na kelangang ipasa, walang mga hinahabol na kota at walang boss na pakikisamahan, nagkaroon ako ng time para magisip para sa sarili ko. Para kanino ba talaga ako nagtatrabaho? Ano ba talaga ang gusto ko? Am I being too hard to myself? Ano ba yung mga opportunity na pwede ko subukan? Yung mga ganung bagay ba.

Madami tayong mga inspirational blog/book na pwedeng basahin. Pero naisip ko sa mga ganung moment na darating sa buhay mo, ikaw at ikaw lang din ang gagawa ng way para makasurvive at bumalik ulit yung nawalang motivation. And as if we have a choice not to survive? Hahaha.

Sana mabasa to ni Direk Tonet, icomment ko kaya sa post niya? Nakakahiya.

Ang haba na pala nito, mamayang gabi ko na lang sisimulan yung sa Cebu trip. Yan tayo eh.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s