Dragon-type Pokemon

It is so true when they said that kids bring a bundle of joy. Nakakahawa yung innocence at sincerity sa mga puso nila. Ang sarap maging bata ulit.

I always tell my friends that MJ, my youngest brother, is the only one who’s keeping me sane in our home. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha yung mga sinasabi niya. Nakakagulat minsan na maririnig mo yun sa isang 6 years old. His smart mouth always bring me tons of laughter.

Kagabi lang, nagluluto ako ng porkchop para sa dinner. Nilagyan ko ng medyo maraming asin at magic sarap kasi matindi talaga sa alat yung dila ko. Maalat na sa iba sa akin wala pang lasa. Pagkatapos kong magluto kakain na ako. Tinanong ko si Mj kung kakain na din siya para sabay na kami. Nung tikman ko yung porkchop nasarapan ako kasi maalat. Pero on the other hand alam kong maaalatan yung mga tao sa bahay. Inaabangan ko kung anong magiging reaksyon ni Mj kasi bukod sa akin, siya palang ang nakakatikim ng above average na alat ng porkchop. Mamaya, bigla siyang bumulong sa akin. Sabi niya,  “Ate, yung porkchop mo parang maalat”. Sabi ko oo nga kasi naparami yata ang asin ko. Tinanong ko siya kung ayaw na niya pero sabi niya hindi naman daw. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang natouch at natuwa ako sa ginawa niya. Sinadya niya talagang ibulong na lang ang feedback niya sa luto ko para siguro hindi marinig ni inay at wag magcomment ng masama. Alam kasi niyang minsan lang akong magluto kaya siguro ayaw niyang mabad vibes ako. Nakakatuwa lang. He is so sweet enough to think of my feelings, sa edad niya na yun.

Because of that, I will share a few convos that we had habang wala akong trabaho na talaga namang nagpatawa sa akin.

(Binigyan siya ng pusa ng kapit-bahay namin kaya lang sobrang liit pa at hindi pa marunong kumain.)

Inay: Ahla, mamatay yang pusang ayan, hindi nakain eh. Pag namatay yan itatapon ko na lang yan sa creek.

MJ: (Paiyak na.) Hindi pwede, pag namatay si Menggay ililibing natin sya. Diba ang mga pusa inililibing sa lupa.

Inay: Saang lupa natin yan ililibing ay wala namang lupa dito sa atin.

MJ: Eh di sa libingan ng mga bayani. Dun ko siya ililibing. Diba malapit lang naman yun dito?

Ako: (Tawang tawa) Hahahahahaha. Si Marcos nga hindi mailibing sa libingan ng mga bayani. Pinagaawayan pa, si Menggay pa kaya?

 

 

(Habang nanonood ng Pokemon)

MJ: (Out of nowhere) Ate, isa akong dragon-type pokemon.

Ako: Ha? Hahaha. Eh di ako din kasi kapatid kita.

MJ: Hindi. Water-type ka.

Hahahahaha. Haaaayyy. I love you little kiddo!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s